Maybe someday masasabi ko rin yung katagang minsang sinabi sa akin ng mga taong nasa paligid ko.

“Marami ka pang makikila. Bakit akala mo ba siya na talaga?”


Well, baka ito rin ang sabihin ko sa magiging anak ko someday kapag nagkalovelife yun. Take it from the expert ika nga. Siguro naniniwala na ako na talagang hindi porket akala mo siya na talaga ay kayo na talaga in the end. Sa una lang yan, sabi nga nila. Sa una lang yan masaya, sa una lang yan exciting, sa una ka lang niyan mahal. Pero sa huli habang ikaw mas lalo mo siyang minamahal hindi mo alam lalo lang palang nababawasan yung pagmamahal niya sayo. Kaya sinong talo? Sinong mas nasaktan? Diba ako? Ako na halos gawin na ang lahat mapatunayan lang na mahal mo talaga siya. Na kahit iniyakan mo na siya sa harapan niya parang wala lang. Na halos pinagmukha ko nang tanga yung sarili ko sa harap ng mga tao pati sa mga magulang ko. Na halos ipamukha nila sayo na, “Kyle, antanga mo na talaga sobra. Gusto mo bang iumpog kita sa pader baka sakaling matauhan ka?”


Minsan kahit gusto mo pa talagang ipaglaban yung feelings mo, kahit gusto mo pang ipagpatuloy yung mga pangarap na minsan niyong binuo, matupad yung mga pangakong minsang niyong binitawan sa isa’t-isa, mapapaisip ka nalang nang, “Worth it pa ba lahat ng toh?” 


Yung pakiramdam na parang nung una kasabay mo siya sa paggawa ulit ng paraan para maging maayos and then konting lingon mo lang, wala ka na palang kasama. At sa tingin ko hindi na worth it na masaktan na naman ako dahil sa paulit-ulit na rason. Ito lang talaga yung pinakaayaw ko sa lahat eh. Yung lagi niya sa aking pinaparamdam na I’m not good enough. 


Oo, nagsisisi ako na ibinigay ko sayo yung chance na yun para patunayan ulit ang lahat. Nagsisisi ako na ibinigay ko sayong muli yung konting tiwala sayo na nabalewala lang rin naman. Nakakapangsisi na hindi man lang ako nagdalawang isip para ibigay sayo yung chance na yun. Yung chance para ayusin ang lahat. Kasi akala ko, papatunayan mo talaga yung isang phrase dun sa message mo sakin na, You mean much more to me.”  Pero sa huli ang naramdam ko lang sa buong panahong yun ay nauulit lang na tinatake for granted lang naman ako. 
Yeah, hindi dapat ako maniwala sa nobela mong message noong April 16. Sabi mo nga hindi dapat ako basta-basta umasa dun sa message na yun dahil hindi sapat yun. And I realize that you’re right. Words are just words, anyway. I was waiting for something more than that.. yung mas higit pa sa lahat ng mga nabasa ko and look what I’ve got, nothing. 


Narealize ko lang siguro na hindi na talaga worth it lahat ng sakit at iyak ko dahil sayo. Bakit? Simple lang, kasi wala ka nang pakialam sa akin. Sabi ko nga ayos lang talaga sa akin na magpakatanga ako as long as alam kong yung pagiging tanga ko ay alam kong may mararating. Pero nung mga time na yun narealize ko ata na hindi na maganda yung pagiging tanga ko. To the point na yung pagkatanga ko ay to the highest level na. Yung tipong ayan na, nakahain na sakin lahat ng ibedensyang wala na talaga pero pilit kong pinapasok sa utak ko na pwede pa. 

Wala eh, masyado akong nagmahal. Masyado ako nagfeeling. Akala ko kasi iba ka sa ibang lalake. Kaya ayun sa huli, ako yung sobrang nasaktan, sobrang nahirapan at sobrang natake for granted.

Wala eh, minahal ko eh.

Out of Nowhere.

Habang nagpipicture ay napatawa ako ng mahina.

Aina: Ang hinhin mo talaga Kyle.

-Ngiti lang ako-

Aina: Mas may deserving sayo. Madami pang magkakagusto sayo kaya ayos lang kasi hindi tama na ginaganyan ka lang. 

*Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip nung babaeng yun bigla-bigla na lang nilang nababanggit yun.

I don’t care who I meet in highschool, college or whatever. You are the girl I have loved when I first met you and the girl I will love for the rest of my life. I sincerely, deeply,truly and absolutely love you.

- 55 weeks ago. lol

Ang sarap talaga sa feeling.

Na alam mong may taong takot na mawala ka sa buhay niya. :”>

Ang sarap sa feeling na may taong kailangan ka at kailangan ko rin siya. 

Siguro nga may mga bagay na dapat maranasan para marealize ang mga bagay-bagay. Na hindi lahat ng bagay ay masusunod sa gusto mong porma o sa kung ano ang gusto mong mangyari. 

Pero masaya ako ngayon na pinaparamdam mo sa akin na kahit papaano ay mahalaga ako sa buhay mo. Na kahit papaano ayaw mo akong mawala sa tabi mo. Masaya na ako nun. 

Naniniwala ako sa lahat ng mga sinabi mo sakin pero mas maniniwala ako kung hanggang sa huli, papanindigan mo ang lahat ng yun. 

My plan this Summer 2013

  • Braces sa ngipin
  • Relax ng buhok
  • Magpataba
  • Paputi ng konti. Hahaha.
  • New frame ng eyeglasses (ayoko nang malaking frame)

Siguradong Betty La Fea ang labas ko nito. Hahaha.

Chance.

Bakit nga ba nakakapagbigay pa rin tayo ng ilang beses na chances sa isang tao sa kabila ng sakit na binigay nila sayo?

Simple lang, mahal mo siya at ayaw mong mawala siya sa buhay mo.


Pero hindi ibig sabihin nun na pwede mo nang abusuhin ang mga chances na binibigay sayo. Minsan hindi mo alam baka yun na talaga yung last chance mo kaya kung maari nga lang sa una gawin mo na yung best mo para hindi na humantong sa pagbibigay ng chances. 

Kapag binigyan ka ng isa pang chance ng isang tao sa kabila ng mga masasakit na nangyari.. iisa lang ang ibig sabihin nun. May tiwala pa siya sayo. Pero yung tiwala na yun ay hindi na ganoon kabuo. Kaya wag kang magtataka kung minsan nagdududa siya, kung minsan hindi agad siya naniniwala sa mga sinasabi mo at kung minsan hindi na siya tulad ng dati.

Pero hindi ibig sabihin nun na gusto ka lang niyang pahirapan. Ibig sabihin lang nun ay tinitingnan lang niya kung paano mo papatunayan na worth it ka sa chance na binigay niya sayo. Kung hanggang saan yung tolerance mo sa mga bagay-bagay. Kung susuko ka nalang ba kaagad o ipapakita mo na kaya mong panindigan lahat ng sinabi mo para makuha ang chance na yun.

Patunayan mo yung sarili mo sa kanya. Isang matyagang effort lang ang kailangan sa mga ganyang bagay at malaaaaawak na pag-intindi sa sitwasyon. Don’t expect it to be easy. At wag naman sanang masayang yung chance na binigay ko sayo ngayon dahil alam kong kahit papaano you still deserve a chance.

Please patunayan mo sana na tama naging desisyon ko. That’s all I’m asking for. 

Ayaw ko talaga ng ganitong feeling.

Ayoko.


Ayoko nang ipakita yung weak side ko sa ibang tao. Ayoko nang ipakita na nasasaktan ako. Ayoko nang ipakitang may pakialam ako. Ayoko nang ipakita na naaapektuhan ako. 

Simpleng ayoko na.

Kapag kasi nakikita nilang mahina ako, lalo lang silang nagkakaroon ng dahilan para saktan ako.  Kapag kasi nakikita nilang nasasaktan ako, mas gumagawa sila ng paraan para mas masaktan ako. Kapag kasi nakikita nilang may pakialam ako ay mas nagiging okay lang sa kanila na saktan ako dahil alam nilang hindi ko magagawang magalit sa kanila. Kapag kasi ipinakita kong naaapektuhan ako mas lalo lang nilang pinapakita sa akin na masaya sila kahit wala ako. 

Simple lang, kapag alam nilang mahal mo pa sila.. Ayos lang na makita ka nilang nasasaktan kasi alam nilang hindi mo rin naman sila matiis o hindi ka magtatanim ng galit sa kanila sa kabila ng lahat.

Kaya minsan kailangan mo ring ipakita sa kanila na kaya mo rin silang baliwalain gaya nang pagbabalewala nila sayo. Na kaya mo ring maging masaya kahit wala sila sa tabi mo. Na kaya mong gumawa ng mga bagay-bagay nang wala sila. Na kaya mong mabuhay nang wala sila sa buhay mo.

Minsan kailangan mo rin tong gawin hindi lang para protektahan ang sarili mo kundi para na rin malaman mo kung sino ba yung mga taong willing na magstay sa buhay mo sa kabila nang lahat. 

Ikaw, willing ka bang magstay sa buhay ko? Hahaha. Chos.

Eto nga pala ang first crush ko. Hahah, Kinder palang ako may crush na ako pero hanggang grade 2 ko nalang toh naging crush. Uso magshare. XD

Madami lang talaga akong inaalala ngayon. Ang dami ko kasing nakikitang sinaunang picture, pumasok lang sa isipan ko toh kasi nakita ko pangalan niya sa notification ko. 

image

image

Habang naghihintay ako nang masasakyan sa may kanto

  • Nakaupo lang ako dun sa may tindahan dahil ayoko nang lumakad pa dahil sa init. Nang may tatlong sunod-sunod na tricycle ang dumaan.
  • Tricycle 1: WAG KA NA MALUNGKOT!
  • Tricycle 2: HINDI NA YUN DARATING!
  • Tricycle 3: Sasakay ka?
  • Lanya, napatawa talaga ako kung sino man sila. Hahah, ehh kasi mukha bang may darating akong kadate kanina? Napaisip lang talaga ako kasi mukha ba akong problemado kanina? HAHAH. Chos, mainit lang talagang maghintay nang masasakyan. Ano ba?

“Sino ba namang hindi maiinspired sayo?”

Touch naman ako. Hahaha. Thank you men. :)